Palasyo, kumpiyansang makakahanap ng alternatibong paraan ang PAGCOR para sa bagong pagkukunan ng pondo

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na makahahanap ng alternatibong paraan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa bagong source of revenue.

Pahayag ito ng Palayso matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang operasyon ng e-sabong sa bansa.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, tiyak na makahahanap ang PAGCOR ng bagong mapagkukunan ng pondo.

Tinatayang nasa P5 hanggang P6 bilyon ang mawawala sa kaban ng bayon sa taong 2022 dahil sa pagpapatigil ng operasyon sa e-sabong.

Ayon kay Andanar, sa ngayon, wala pang papel na inilalabas ang Malacañang Records Office para sa suspensyon ng operasyon ng e-sabong.

Sa ‘Talk to the People’ noong Lunes, ipinag-utos ng Pangulo na itigil ang operasyon ng e-sabong dahil sa nalulong na sa sugal ang mga sabungero.

Read more...