Isang komite, binuo para sa transition power sa pagbaba sa pwesto ni Pangulong Duterte

Bumuo na ng komite ang Office of the President para mangasiwa sa transition power kapag bumaba na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, si Executive Secretary Salvador Medialdea ang mamumumuno sa naturang komite.

Ayon kay Andanar, si Medialdea ang maghahanda at magpapatupad ng transition plan ng OP.

Hindi naman tinukoy ni Andanar kung sino ang mga magiging miyembro ng komite.

Read more...