SP Sotto, iba pang senador natuwa sa suspensyon sa online sabong

Ikinatuwa ng maraming senador, kabilang na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ang desisyon ng Malakanyang na suspendihin ang operasyon ng online sabong sa bansa.

Sinabi ni Sotto, bagamat malaki ang kinikita ng gobyerno sa online sabong, malaking problema naman ang idinulot nito sa milyun-milyong pamilyang Filipino.

“The suspension is ideal because no amount of money or riches can replace our values,” sabi pa ni Sotto.

Sinegundahan ito ni Sen. Grace Poe na sinabing, “Buhay at pamilya ang lagi’t laging mas mahalaga. Sa utos ng Presidente, mauuuna natin ang pagbibigay hustisya sa lahat ng mga nawala at naulila.”

Magandang hakbang, sabi naman ni Sen. Koko Pimentel, ang ginawa ni Pangulong Dutterte, sa katuwiran niyang balot ng kontrobersiya ang e-sabong, partikular na ang pagkawala ng 34 sabungero.

Ayon naman kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, hindi nagkamali ang 24 senador sa paghiling na suspendihin ang operasyon ng online sabong.

Read more...