Naitalang kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 514.65 milyon na

Reuters photo

Pumalo na sa 514.65 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 514,653,221 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 83,240,101 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,088,401 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,482,429 naman ang kaso sa Brazil habang 28,757,765 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 24,949,403
– United Kingdom – 22,073,858
– Russia – 18,201,074
– South Korea – 17,395,791
– Italy – 16,586,268
– Turkey – 15,036,110
– Spain – 11,953,481
– Vietnam – 10,659,358

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,265,797 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 469,151,118 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...