Abiso sa mga motorista.
Mali ang kumakalat na infographic kung saan nakasaad na ipatutupad umano ang bagong number coding scheme simula sa Mayo 1.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nananatili pa rin ang pagpapatupad ng modified number coding scheme mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes, maliban lamang tuwing holidays.
Paliwanag ng MMDA, wala pang pinal sa mga panukalang modification sa number coding scheme.
Patuloy pa ang pag-aaral ng ahensya ukol dito.
Sakaling magkaroon ng pagbabago sa polisiya, sinabi ng MMDA na dapat aprubado ito ng Metro Manila Council.
Paalala sa mga publiko, huwag basta-basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe o post sa social media.
Iberipika muna ang mga nakukuha o nakikitang impormasyon sa lehitimong sources.
Kung may katanungan, maaring tumawag ang publiko sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official page sa Facebook, Twitter at Instagram.