Mga bagong ruta ng libreng sakay sa Caraga, binuksan na

Photo credit: LTFRB Caraga/Facebook

Good news para sa mga commuter sa Caraga!

Inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Caraga na mas marami pang transport service cooperatives at transport corporations ang nakiisa sa Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contracting Program.

Maaring makapag-avail ng naturang programa ang mga commuter sa mga sumusunod na ruta:

Sa Butuan City: (Intra-City)
– ROUTE 10 BUTUAN INTRA-CITY
(BUMUTSCO)
– ROUTE 8 BUTUAN INTRA-CITY
(BUMUTSCO)

Butuan City (outbound Inter-Province)
– BUTUAN CITY – LAS NIEVES, AGUSAN DEL NORTE
(BACHELOR EXPRESS INC.)
– BUTUAN CITY – BAYUGAN CITY (Via LEMON-MAGUINDA-BONIFACIO-LAS NIEVES-SINAI, SIBAGAT)
(DAVAO METRO SHUTTLE)
– BUTUAN CITY – NASIPIT, AGUSAN DEL NORTE
(DATSCO)
– BUTUAN CITY – CABADBARAN CITY
(CBTRANSCO)

Surigao City (Intra-Province)
– SURIGAO CITY – CLAVER, SURIGAO DEL NORTE
(HATSCO)

Photo credit: LTFRB Caraga/Facebook
Photo credit: LTFRB Caraga/Facebook
Photo credit: LTFRB Caraga/Facebook

Sa pamamagitan ng Service Contracting Program Phase 3, pwede na muling maserbisyuhan ang Authorized Persons Outside Residence (APOR) ng naturang programa.

Bukas ang Libreng Sakay program simula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holiday.

Nagpasalamat naman ang Department of Transportation(DOTr) at LTFRB sa mga kundoktor, drayber, at operators para sa pagmamalasakit sa mga commuter.

Read more...