Ilan pang residente, lumutang para magbigay-linaw sa sinasabing vote buying sa Quezon City

Nagsalita na rin ang mga residente sa District 5 ng Quezon City na nabigyan ng ibat ibang tulong mula pa noon. Kabilang dito ang ilang senior citizens na nabigyan ng medical assistance ni Rose Nono Lin. Isa sa kanila ay senior citizen na naglalabada at matagal na palang pinapagamot ni Lin. Una na rin naglabas ng sinumpaang salaysay ang residenteng si Aiza Mojica Cabazares, para patunayan na inutusan siya ng kampo ni Cong. Alfred Vargas at kapatid nitong si Councilor Patrick Michael  Vargas para siraan si Ginang Rose Nono Lin at palabasin na nagkaroon ng vote buying ang kampo ni Lin. Inamin din ni Cabazares na binayaran siya ng tauhan ng mga Vargas na si Sybhel Cordero para mag-espiya laban sa kampo ni Lin. Aniya, bahagi ng utos sa kanya at sa walong iba pa, ng Vargas camp na kumuha ng mga larawan at video kung saan palalabasin na namimili ng boto si Lin , at sa katunayan ay binigyan siya ng cellphone na gagamitin sa pagkuha ng larawan. Gayunman, nilinaw ni Cabazares na ang mga larawan na nakuha niya sa kampo ni Lin ay hindi sa vote buying kundi sa scholarship na nakuha ng kanyang anak. Kinunan niya aniya ito ng larawan dahil natuwa siya sa scholarship na naitulong ni Ginang Lin sa kanilang pamilya.

Read more...