LOOK: Mga pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia senatorial race survey

Photo credit: Pulse Asia website

Nanatili ang pangunguna ng broadcaster na si Raffy Tulfo sa senatorial race survey ng Pulse Asia.

Sa resulta ng April 2022 Pulso ng Bayan Pre-Electoral national survey, nakakuha si Tulfo ng 50.4 porsyento, habang 49.4 porsyento naman si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda.

Pangatlo sa naturang survey ang aktor na si Robin Padilla na may 42.9 porsyento, sumunod si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na may 42.3 porsyento.

Nakapagtala naman ng 38.6 porsyento si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, habang 37 porsyento si reelectionist Senator Sherwin Gatchalian.

Narito naman ang nakuhang voting percentage ng iba pang senatorial candidates na pasok sa ‘Magic 12’:
– Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri (37 porsyento)
– Dating DPWH Secretary Mark Villar (35.9 porsyento)
– Dating Sen. JV Ejercito (34.3 porsyento)
– Dating Vice President Jojo Binay (32.5 porsyento)
– Sen. Risa Hontiveros (32.3 porsyento)
– Dating Sen. Jinggoy Estrada (32.3 porsyento)

Samantala, nasa ika-13 at ika-14 pwesto naman sina dating Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista (26.6 porsyento) at Sen. Joel Villanueva (26.5 porsyento).

Nasa ika-15 pwesto naman si dating Sen. Gringo Honasan na may 22.4 porsyento, habang 19.3 porsyento naman si Sen. Richard “Dick” Gordon.

Sa pamamagitan ng face-to-face interviews, isinagawa ang survey sa 2,400 representative adults simula Abril 16 hanggang 21, 2022 na may ± 2% error margin sa 95 porsyentong confidence level.

Read more...