Pumalo na sa 513.59 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 513,592,414 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 83,083,425 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,082,502 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 30,454,490 naman ang kaso sa Brazil habang 28,682,011 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 24,770,595
– United Kingdom – 22,038,340
– Russia – 18,189,401
– South Korea – 17,295,733
– Italy – 16,504,791
– Turkey – 15,033,573
– Spain – 11,896,152
– Vietnam – 10,653,526
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,261,710 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 467,695,030 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.