Sa Araw ng Paggawa, nakuha ng tambalang Ping Lacson – Tito Sotto ang isa sa mga maituturing na pinakamahalagang pag-endorso at suporta mula sa masa.
Idineklara ng malalaking grupo ng mga nabubuhay sa sektor ng transportasyon, sa pangunguna ng Pasang – Masda, ang kanilang suporta kina Lacson at Sotto.
Ibinahagi nina Lacson at Sotto, na ang mga grupo ang nag-organisa ng kanilang motorcade ngayon araw sa malaking bahagi ng Kalakhang Maynila.
Bukod sa Pasang-Masda, suportado din ng Alliance of Transport Operators and Drivers Asso., of the Phils. (ALTODAP) at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACT).
Sinabi ni Sotto na ilanga linggo na ang nakakalipas nang ipaalam sa kanya ni Obet Martin, ng Pasang-Masda, ang suporta nila sa Lacson-Sotto tandem.
“Naniniwala sila sa plataporma naman ni Sen. Ping,” sabi ni Sotto.
Samantala, ikinatuwa naman ni Lacson sa mga sumalubong sa kanila sa ruta ng kanilang motorcade dahil lahat ay kumaway din sa kanila ni Sotto tanda ng pagkilala at respeto.