COVID-19 vaccination certificates ng Laos at Rwanda kinikilala na ng Pilipinas

Valenzuela City government photo

Kinikilala na ngayon ng Pilipinas ang national COVID-19 vaccination certificates ng mga bansang Laos at Rwanda.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease ang naturang polisiya bilang proof of vaccination para sa arrival quarantine protocols pati na ang inter-zonal/intrazonal movement.

“This is in addition to other countries/territories/jurisdictions whose proofs of vaccination the IATF has already approved for recognition in the Philippines, and without prejudice to such other proofs of vaccination approved by the IATF for all inbound travelers,” pahayag ni Andanar.

 

Sa ngayon, nasa 79 na bansa na ang tinatanggao ng Pilipinas na mayroong proof of vaccination.

 

Read more...