Hindi papayagan ng Commission on Elections na makaboto ang mga kasalukuyang positibo sa COVID-19.
Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia, dahil may batas na Republic Act 11332 at guidelines ang Inter-Agency Task Force na hindi maaring makalabas ng bahay o isolation facilities ang mga kumpirmadong nag-positibo sa COVID-19.
Mahigpit aniyang nakabantay ang mga barangay officials sa mga isolation facilities at mga bahay na mayroong nag-positibo sa virus.
Ayon kay Garcia, wala nang tsansa na makaboto ang mga kumpirmadong positibo sa naturang sakit dahil hindi naman maaring dalhin ang mga balota sa mga isolation facility.
Pero ang mga may COVID-19 na hindi pa naman kumpirmado at hindi naka-isolate at nasa mga presinto na ay maaring makaboto.