Sinabi ni Espinosa na hindi totoo ang lahat ng mga ginawa niyang alegasyon laban kay de Lima sa mga pagdinig sa Senado, kabilang na ang una niyang sinabi na binigyan niya ang huli ng pera.
“Any comment he made against the Senator are false and was the result only of pressure, coercion, intimidation and serious threats to his life and family members from the police,” ang nakasaad sa counter-affidavit ni Espinosa.
Nabatid na hindi na rin testigo ng prosekusyon si Espinosa at inalis na rin ito sa Witness Protection Program kaya’t wala nang silbi ang naging testimoniya niya sa Senado at iba pang mga sinumpaang-salaysay.
Ayon naman kay Atty. Boni Tacardon, isa sa mga abogado ni de Lima, pinatunayan lang na lalabas ang katotohanan sa dakong huli.
“Espinosa’s affidavit only proves the length the current administration have gone to fabricate testimonies and evidence against Senator Leila de Lima,” sabi ni Tacardon.
Aniya, umaasa sila na susunod na rin kay Espinosa ang iba pang mga testigo laban sa senadora at kilalanin pa ang mga nagbanta sa kanila para sa kanilang gaga-gawang pahayag.