Global COVID-19 deaths, umabot na sa 6.23 milyon

AFP photo

Lagpas 6.23 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,253,580 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,019,774.

Sumunod na rito ang Brazil na may 663,165 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 523,693 naman ang death toll sa India habang 375,400 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 324,221
– Peru – 212,778
– United Kingdom – 174,448
– Italy – 163,113
– Indonesia – 156,199
– France – 145,579
– Iran – 141,041

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 511,583,935 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 465,262,144 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...