Bilin pa niya, huwag iboto ang mga kandidato na nananakot ng mga botante at bumibili ng boto.
“Huwag kayong magpapasindak! Huwag kayong magpapadala sa mga pananakot at panunuhol para lang iboto ang mga lider na hindi naman ninyo gusto at hindi kumakatawan sa interes ng higit na nakararami. Patuloy tayong maging mapagmatyag sa mga susunod na linggo at hanggang sa mismong araw ng halalan,” ang panghihikayat ng senador.
Sinegundahan nito ang panawagan ni Pangulong Duterte na gawing maayos, patas at may kredibilidad ang magiging halalan sa Mayo 9.
“Dapat maging patas at tahimik ang halalan upang matiyak na ang magiging resulta ng eleksyon ay tunay na kumakatawan sa kagustuhan ng sambayanang Pilipino,” dagdag pa ng senador.