Paliwanag ni Teodoro, hindi raw niya tinanggihan ang offer ni Duterte na maging Defense Secretary.
Ang kahalagahan aniya ng posisyon sa national interest ay nangangailangan ng seryosong kunsultasyon sa President-elect, bagong tuluyang tanggapin ang pwesto at matiyak na tama ang kanyang desisyon.
Noong May 16, nagkita sina Duterte at Teodoro sa Davao City, subalit hindi raw napag-usapan ang tungkol sa DNP appointment.
Sinuman ang maging bagong DND chief, papalitan nito si outgoing Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Nauna nang sinabi ni Duterte na tumanggi na umano si Teodoro sa kanyang alok dahil sa usapin ng pagmimina.