Incoming President Duterte sa mga puna sa kanyang gabinete – ‘Hindi ako nabobola’

duterte2‘Hindi ako nabobola.’

Yan ang tugon ni incoming President Rodrigo Duterte sa gitna ng mga puna hinggil sa paraan ng pagpili niya ng mga bubuo sa kanyang gabinete.

Ayon kay Duterte, nagpapasya siya para sa kayang sarili, at lalong wala raw siyang kinukunsulta.

Ni-hindi nga raw niya kinukunsidera ang ‘friendship’ dahil ang kanyang loyalty ay para sa buong bansa.

Sa tagal na umano niya sa gobyerno, mula noong maupong mayor hanggang sa maging kongresista, at balik-alkalde muli, hindi raw siya nabobola o naiimpluwensyahan ng sinuman.

Bagama’t hindi raw niya kailangan kumunsulta sa ibang tao, sinabi ni Duterte na nakikinig naman siya sa kanyang transition team, partikular sa mga pangalan ng mga taong gustong makapasok sa gabinete.

Nauna nang umani ng batikos ang pagkakatalaga ni Duterte kay Atty. Salvador Panelo bilang Presidential spokesperson at Las Piñas Rep. Mark Villar bilang DPWH Secretary.

Napaulat din na nagtampo kay Duterte si Pastor Apollo Quiboloy dahil hindi raw siya nakunsulta sa pagsala o selection process sa mga posibleng cabinet member.

Read more...