Makakabangon na ang Marawi siege victims – Sen. Sonny Angara

Sa pagkakapirma sa Marawi Siege Victims Compensation Law, sinabi ni Senator Sonny Angara na makakabangon at makakapagsimula na ng bagong buhay ang mga biktima.

Ayon kay Angara, bagamat natagalan ang pagpasa ng batas, nakakatiyak ito na malaking tulong ito para sa mga naapektuhang Maranao, kasama na ang mga nawalan ng kabuhayan, bunga ng limang buwan na pananakop sa lungsod ng mga teroristang Maute group.

“Matagal na itong hinihintay ng ating mga kababayan sa Marawi. Nagpapasalamat tayo sa Pangulong Duterte sa pagpimra sa mahalagang batas na ito. Marami na ang nagawa sa nakaraang taon sa ilalim ng Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program pero hindi makukumpleto ang proseso ng pagbangon ng Marawi kung hindi maibabalik sa normal ang buhay ng lahat ng naapektuhang residente,” sabi ng nag-sponsor ng panukala sa Senado.

Pagtitiyak pa ng namumuno sa Senate Committee on Finance, mas mapapabilis ang pagbangon ng Marawi City kung may mga konkretong tulong sa kanila, kabilang na ang pagbibigay ng bayad-pinsala

Sa panukala, bibigyan ng tax-free monetary compensation ang mga may-ari ng mga establismento at istraktura sa kinilalang Marawi’s Most Affected Areas (MMAA), gayundin sa Other Affected Areas. (OAAs).

Bibigyan din ng kompensasyon ang mga may-ari ng mga winasak na pribadong ari-arian sa pagpapatupad ng MRRRP.

Bubuo ng Marawi Compensation Board (MRP) para sa pamamahagi ng kompensasyon.

Read more...