Batay sa dalawamput’dalawang pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Leoncia Real-Dimagiba ng CA’s special fifteenth divison, nakasaad na ang one source port services, inc., ang rightful operator ng Harbour Centre salig sa valid and legal port ancillary services contract at port services management contract na nilagdaan nito sa Harbour Center Port Terminal Inc. o HCPTI nuong Enero 22, 2007 at Hunyo 05, 2014.
Ang naturang mga kontrata aniya ang nagbigay sa one source ng karapatan na i-operate ang buong pasilidad ng terminal.
Kinatigan din ng appellate court ang writ of preliminary injunction na inisyu ni Pasig Regional Trial Court ng Branch 167 Presiding Judge Rolando Mislang nuong December 18, 2014 na tuluyan nang nagbabawal sa kampo ng matandang Romero na magpawalang-bisa sa mga kontrata ng one source at pagkontrola ng port operations.
Iligal din umano ang pagtanggi ng matandang Romero na kilalanin ang mga kontratang pinasok nito sa one source dahil sa kakulangan ng judicial determination sa dahilang hindi sumunod ang huli sa mga nakasaad sa kontrata.
Batay kasi sa general rule, kailangan iparating sa hukuman ang anumang hindi pagsunod sa kontrata at itoy hindi maaring desisyunan lamang ng iisang partido sa katuwirang hindi sumunod o nilabag ng isang kampo ang nakasaad sa mga probisyon ng kasunduan.