900 ektaryang lupa ibinigay sa 786 benipesaryo sa Palawan

Mula 800 hanggang 900 ektarya ng lupa, na kabilang sa Yulo King Ranch, sa Palawan, ang ipinamahagi sa 786 agrarian reform beneficiaries (ARBs), ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR).

“Ipinamahagi ang lupain sa 786 ARBs kabilang ang limang agricultural graduates at 50 ektarta na nakalaan sa 50 rebel returnees na kinilala bilang farmer-benefciaries alinsunod sa EO No. 75 series of 2019,” ani Sec. Bernie Cruz.

Paliwanag pa ng kalihim, base sa nabanggit na batas, kailangan madaliin ng kagawaran ang pagproseso sa mga abandonadong lupa na pag-aari ng gobyerno na maaring masakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ang ipinamahagi lupain ay nasa loob ng Busuanga Pasture Reserve sa Barangay San Jose at Dekalachao sa bayan ng Coron.

Kasama ni Cruiz sa pamamahagi ng CLOA ang ilan pang opisyal ng DAR, CARP, AFP at PNP.

Read more...