Rodante Marcoleta, umatras na sa pagtakbo bilang senador

Photo credit: Rep. Rodante Marcoleta/Facebook

Umatras na si House Deputy Speaker at Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta sa kaniyang pagtakbo bilang senador para sa May 9 elections.

Kasunod ng lumalabas na resulta ng kaliwa’t kanang survey, sinabi ni Marcoleta na “the figther in me should also be brave enough to read the writings on the wall. Let’s call a spade a spade.”

Nagpasalamat naman si Marcoleta kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa paghikayat sa kaniya na tumakbo sa sentorial race.

“I will be indebted forever to several people who chipped in their resources, time and tons of hardwork into my memorable campaign,” saad ng mambabatas.

Dagdag nito, “I thank the hundreds of parallel support groups and thousand of volunteers who believed in my advocacies and the measures that must be pursued for the common good. I just hope that they will all be so kind and accommodating enough to understand.”

Nilinaw naman nito na hindi hahadlang ang kaniyang withdrawal sa pagsuporta kina Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice Presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Samantala, kinumpirma rin ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Erwin Garcia na inaprubahan ng Comelec en banc ang pag-withdraw ni Marcoleta.

Dahil dito, maituturing na aniyang ‘stray’ ang mga makukuha niyang boto sa May 9.

Base sa kumakalat na kopya ng dokumento sa social media, inihain ang petisyon noong April 21, 2022.

Kabilang si Marcoleta sa 12 senatorial candidates sa ilaim ng UniTeam slate.

Magugunitang isa rin si Marcoleta sa mga mambabatas na tumutol na maaprubahan ang franchise bid ng ABS-CBN.

Read more...