LPA na nakapaloob sa ITCZ, malabong maging bagyo

DOST PAGASA satellite image

Binabantayan ng PAGASA ang nabuong low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ana Clauren, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 180 kilometers South Southeast ng Zamboanga City dakong 3:00 ng hapon.

Nakapaloob ang LPA sa umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Sulu Sea.

Hindi pa aniya inaasahang na magiging bagyo ang LPA.

Aniya, makakaapekto lamang ito kasama ang pag-iral ng ITCZ sa bahagi ng Mindanao, Visayas, Bicol region, Romblon, at Palawan.

Asahan aniya ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan sa nabanggit na lugar, kung kaya’t pinag-iingat ang mga residente sa posibleng maranasang pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, Easterlies naman o hanging nagmumula sa Dagat Pasipiko ang nakakaapekto sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.

Kaya naman sa Metro Manila at natitirang parte ng Luzon, asahan pa rin aniya ang maaliwalas na panahon.

Read more...