Papalitan ng COVAX facility ang 3.6 milyong doses ng COVID-19 vaccine na napaso sa bansa.
Sa ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Dutete, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na walang sisingiling dagdag na bayad ang COVAX facility.
Sinabi pa ni Duque na nakipagpulong na siya sa mga kinatawan ng COVAX at nagkasundo na papalitan ang mga donasyong bakuna, pati na ang binili ng pamahalaan.
Ayon kay Duque, ang 3.6 milyong doses na expired vaccines ay nangangahulugan ng 1.46 porsyentong vaccine wastage.
Mas mababa ito kumpara sa 10 porsyentong indicative wastage rate na ginagamit ng World Health Organization (WHO).
Ikinatuwa naman ito ni Pangulong Duterte.
Pambihirang humanitarian sentiment aniya ang ginawa ng WHO.
MOST READ
LATEST STORIES