Magandang balita sa mga commuter!
Pinalawig ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), libreng makakasakay ang mga commuter sa nasabing linya ng tren simula 4:40 ng madaling-araw hanggang 10:10 ng gabi.
Layon ng kagawaran, sa pangunguna ni Secretary Art Tugade at pamunuan ng DOTr MRT-3, na patuloy na makapaghatid ng tulong sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin at krudo.
Layon nitong nito na mas marami pa ang makinabang sa mas pinaayos na serbisyo ng newly-rehabilitated MRT-3 line.
Sa kabuuan, umabot na sa 7,227,434 ang bilang ng pasaherong naserbisyuhan ng naturang programa sa MRT-3.
Magugunitang nagsimula ang programa noong Marso 28 at nakatakda sanang matapos sa Abril 30, 2022.