Sinabi ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo na base sa kanilang pag-iimbestiga, mismong mga pulitiko pa ang kumukuha sa serbisyo ng mga terorista para gamiting bodyguards sa panahon ng eleksyon.
“Some of them were members of the local terrorist groups moonlighting as private goons of local politicians during election period,” dagdag pa nito.
Aniya, nagpapatuloy pa ang kanilang pag-iimbestiga para malaman ang pagkakasangkot ng mga pulitiko.
Ginawa ni Fajardo ang pahayag matapos ianunsiyo na 20 miyembro ng PAGs ang kanilang naaresto sa Mindanao.
Ang paghahanap sa mga miyembro ng private armies ay bahagi ng paghahanda sa seguridad ng papalapit na eleksyon.