Nagsagawa ng medikal at dental mission ang Quezon City Jail Male Dormitory para sa Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ayon kay Bureau of Jail Managrment and Penology-National Capital Region Director Jail Chief Supt. Luisito Munoz, isinagawa ang medical at dental mission sa pakikipagtulungan ng kanilang hanay sa QC Jail Male Dorm Health Service Unit at Monte Zion Diagnostic and Medical Center, na binubuo ng doctors, dentists, nurses at medical technologists.
Kasama rin aniya sa aktibidad ang QC Health Department Protektodo Team.
Nasa 162 na PDL ang napagkalooban ng serbisyong medikal, sa pamamagitan ng general check-up, kung saan ang mga may karamdaman tulad ng skin diseases, hypertension at diabetes ay nakatanggap ng kaukulang reseta at gamot.
Samantala, ang mga PDL na nakakaranas ng panlalabo ng mata ay binigyan ng referral sa Opthalmologist.
Samantala, 30 PDL naman ang nabigyan ng serbisyong dental, sa pamamagitan ng tooth extraction, at nakapagsagawa din random blood testing sa 192 na PDL, sa tulong ng Monte Zion Diagnostic and Medical Center.