Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 114 kilometers Southeast ng Sarangani Island.
Naramdaman ang nasabing lindol bandang 7:00 ng umaga.
May lalim ang pagyanig na 68 kilometers at tectonic ang origin.
Sa kabila nito, walang naitalang instrumental intensities sa mga karatig-bayan.
Wala ring napaulat na pinsala.
Sinabi pa ng Phivolcs na walang banta ng aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES