Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 510 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 510 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 510,644,473 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 82,784,686 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,065,666 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,378,061 naman ang kaso sa Brazil habang 28,415,413 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 24,363,379
– United Kingdom – 21,994,809
– Russia – 18,151,895
– South Korea – 17,009,865
– Italy – 16,191,323
– Turkey – 15,023,662
– Spain – 11,833,457

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,248,488 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 463,975,032 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...