Sen. Imee Marcos, hinihintay ang ulat ng PNP sa pagkakahuli sa tatlo umanong ‘hacker’

Photo credit: Sen. Imee Marcos/Facebook

Hinihintay na lamang ni Senator Imee Marcos ang opisyal na ulat mula sa pambansang pulisya ukol sa pagkakaaresto sa tatlong diumano’y ‘hacker’.

Si Marcos ang namumuno sa Senate Committee on Electoral Reforms.

“The committee is still waiting for further details of the operations and the persons arrested,” sabi ni Marcos.

Napaulat na naaresto ang tatlong Information Technology (IT) professionals sa magkakahiwalay na entrapment operations noong nakaraang Linggo sa Cavite at Laguna.

Diumano, inaalok nila ang kanilang serbisyo sa mga kandidato sa pagtitiyak na masisiguro nila ang panalo ng mga ito sa botohan kapalit ng P10 milyon.

Sinabi ng PNP-Anti Cybercrime Group na ipinagyayabang ng tatlo na kaya nilang imanipula ang sistema ng Commission on Elections (Comelec).

Read more...