Pagbabago sa format ng Comelec presidential at vice presidential debate, pabor sa BBM-Sara tandem

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Tiyak na ang kampo lamang ng tambalang UniTeam nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang matutuwa sa ginawang pagbabago ng format ng Commission on Elections (Comelec) sa presidnetial at vice presidential debate.

Sa halip kasi na debate, gagawin na lamang ito na panel. Interview at hindi na sabay-sabay na isasalang ang mga kandidato.

Ayon kay vice presidential candidate Walden Bello, nagtagumpay ang tambalang BBM-Sara na harangin ang debate.

Hindi naniniwala si Bello na ang hindi pagbabayad ng impact hub, ang grupong kinontrata ng Comelec na mag-organisa ng debate sa Sofitel Hotel, ang bukod-tanging dahilan para hindi matuloy ang debate

Tiyak aniyang lalangawin ang panel interview gaya ng e-rally na inilunsad ng Comelec.

Sa panig ni presidential candidate Ka Leody De Guzman, sinabi nito na masasayang ang pagkakataon na matanong sana si Marcos kung ano ang plataporma nito at kung anong mga solusyon ang ibibigay sa mga problema ng bayan.

Nakahanda naman sina De Guzman at Bello na dumalo sa recorded o pre-taped na panel interview.

Pero sa ngayon aniya, wala pa silang natatanggap na tawag mula sa Comelec kung kailan sila isasalang.

Read more...