Sinuspinde ang Facebook account ng tagapagsalita ni Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na si Atty. Vic Rodriguez.
Base sa screenshot sa account nito, nakasaad na “Your account, or activity on it, doesn’t follow our Community Standards.”
Ayon kay Rodriguez, sinuspinde ng FB/Meta ang kaniyang account dahil nakapanig siya kay Marcos.
“This is censorship of the highest degree and interference on a sovereign act,” aniya pa.
Sa ngayon, maari na muling ma-access ang Facebook account ni Rodriguez.
MOST READ
LATEST STORIES