Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa 73,891 na magsasaka at mga mangingisda ang naapektuhan ng bagyo sa bahagi ng Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen at Caraga region.
Ayon sa DA, nasa 90,889 metric tons (MT) ng produktong agrikultural ang nasira, kung saan nasa 32,689 hectares na taniman ang naapektuhan.
Kabilang sa mga pananim na nasira ang palay, mais, high value crops, livestock, at fisheries.
Kasama rin sa nasira ng bagyo ang agricultural infrastructures, machineries at equipment.
Ayon sa DA, mayroon nang nakalaan na P723.07 milyong pondo na ipang-aayuda sa mga magsasaka at mangingisda.
Kabilang na rito ang:
1. P500 milyon para sa Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon
2. P100 milyon sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) para sa Western Visayas;
3. P87.76 milyong halaga ng rice seeds, P24.33 milyong halaga ng corn seeds, P10.85 milyong halaga ng assorted vegetables;
4. P0.13 milyong halaga ng animal stocks, drugs at biologics para sa livestock at poultry
5. Available funds mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) to indemnify affected farmers.
Pinapayuhan ng DA ang mga apektadong magsasaka at mangingisda na makipag-ugnayan sa kanilang hanay sa telepono na (02) 8929-0140 o 09616965099.