Duda si independent presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson na magagawa ng isang kalabang kandidato na maibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas.
Sinabi ito ni Lacson base sa pagtatanong niya kay dating Agriculture Secretary at senatorial candidate Manny Piñol.
Aniya, sa presyo pa lamang ng palay, malabo na ang ipinangako ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Dagdag pa ni Lacson, kung bibigyan naman ng subsidiya ang mga magsasaka, kailangang isapubliko ang halaga ng tulong.
Ayon kay Lacson, para sa kanila ng kanyang running mate na si Vicente ‘Tito’ Sotto III, ang pinakamadaling magagawa ay rebyuhin ang Rice Tariffication Law.
Makakatulong din kung dadagdagan ang pondo para sa research and development upang mapagbuti ang mga produktong agrikultural na makakatulong sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Sa ngayon, banggit ni Lacson, 0.4 porsyento lamang ang inilaan na pondo para sa research and development sa national budget.
Puna nito, bisyo na ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng mga produktong agrikultural na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka, bukod pa sa talamak na smuggling.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Lacson: