Nasa 99.7 porsyento na ang Quezon City Jail Male Dormitory sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bilanggo.
Ayon kay QCJMD warden Supt. Michelle Bonto, nasa 3,282 na bilanggo mula sa 3,291 na kabuuang bilang ang mga nabakunahan na.
Nangamgahulugan ito ng 99.7 porsyento.
Ayon kay Bonto, nasa 2,745 naman na bilanggo o 83.4 porsyento ang nabigyan na ng booster shots.
Katuwang ng Quezon City Jail Male Dorm (QCJMD) sa pagbabakuna ang Burrau of Jail Management and Penology-National Capital Region Health Services Division at Quezon City Health Department.
Ayon kay Bonto, inatasan ni BJMP Director Allan Iral ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng buwanang bakunahan sa mga bilanggo.
Ayon kay Bonto, ngayong nasa 99.7 percent na bilanggo ang bakunado, inihahanda na ng kanilang hanay ang pagpapatupad ng Non-Contact Visitation ng mga kamag-anak.
Ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na tatanggap ng dalaw ang mga bilanggo matapps ang dalawang taon nang magsimula ang pandemya.
Tiniyak naman ni Bonto na mahigpit na ipatutupad sa pagdalawa ang health at safety protocols para masiguro na COVID-free ang kulungan.