Dumating din sa town hall dialogue ng tambalan ang mga nakasama ni Lacson sa pambansang pulisya.
Kabilang sa nagpahayag ng suporta sa Lacson – Sotto tandem sina dating PNP Chief Nicanor Bartolome, retired Maj. Gen. Rey Acop, Ray Rivera at Dong Tabamo.
Gayundin ang mistah ni Lacson sa PMA Class of 1971 si retired Col. Oscar Martinez, na isa na ngayong abogado at Jun Fabros, na retiradong opisyal ng Philippine Navy.
Samantala, sa pagharap nina Lacson at Sotto sa higit 3,000 tagasuporta sa Tarlac State University Gym, hinikayat nila ang mga botante na kilatisin mabuti ang mga kandidato.
Idiniin ni Lacson na kailangan ay pagisipan mabuti ang mga iboboto at isalang-alang ang mga kandidato na matagal nang naglilingkod ng tapat sa bayan, gaya nil ani Sotto.
“Pakatandaan po natin, ‘pag tayo pumasok sa presinto at tayo nag-isip, namili ng ating iboboto, wala na kayong pipiliin pa—‘yung pinaka-kwalipikado, ‘yung pinaka-may kakayahan, ‘yung mga (may) pinakamahabang karanasan sa serbisyo publiko at ‘yung matapat,” paalala ni Lacson sa mga botante.