1,465 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa nakalipas na linggo

Nakapagtala ng 1,465 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang April 25, 2022, base ito sa naitalang datos simula April 18 hanggang April 24, 2022.

Mas mababa ito ng 12 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong April 11 hanggang 17.

Nasa 209 naman ang daily average cases.

Samantala, walang bagong severe and critical cases habang 213 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 16.9 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,112 sa 24,309 non-ICU beds ang gamit.

16.9 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 479 sa 2,841 ICU beds ang gamit.

Nasa 726 naman ang severe and critical admissions, o 12.8 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

Read more...