Mga pumanaw dahil sa COVID-19, umabot na sa halos 6.24 milyon

AFP photo

Halos 6.24 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,242,265 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,018,316.

Sumunod na rito ang Brazil na may 662,663 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 522,193 naman ang death toll sa India habang 374,734 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 324,117
– Peru – 212,724
– United Kingdom – 173,352
– Italy – 162,609
– Indonesia – 156,067
– France – 145,020
– Iran – 140,952

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 509,241,172 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 461,783,937 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...