Oil price increase ipatutupad sa susunod na linggo

Isang big time oil price increase ang ipatutupad sa susunod na linggo.

Ayon sa abiso ng kompanyang Unioil, tataas ng P3.90 hanggang P4.10 ang diesel kada litro.

Aabot naman sa P3.00 hanggang P3.20 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Una rito, sinabi ng Department of Energy na magkakaroon ng malakihang increase sa produkto ng petrolyo sa susunod na linggo.

Matatandaang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo dahil sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

Read more...