Hinikayat ng Archdiocese of Manila ang mga mananampalataya na patuloy na mag-rosaryo mula Abril 30 hanggang Mayo 9 o mismong araw ng eleksyon.
Base sa pastoral letter na “Narito ang Inyong Ina,” sinabi ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na walang dapat na ikatakot ang publiko sa kabila ng pagkakahati-hati dahil sa fake news, trolls at pagsuporta sa magkakaibang kandidato.
Nakasaad pa sa pastoral letter na angBlessed Virgin Mary ang gagabay sa eleksyon.
“Lapitan nating muli ang ating Ina. At hilingin din natin sa kanya na tulungan tayong iboto and mga napupusuan ni Hesus paras atin,” saad ng pastoral letter.
Nanawagan ang Archdiocese ng Manila na dasalin ang banal na rosary ng mataimtim araw-araw kasama ang pamilya at komunidad dahil tiyak na hindi bibiguin ng Ina.