12,000 na trabaho alok ng gobyerno sa Mayo 1

May regalo ang pamahalaan sa mga manggagawa sa Labor Day sa Mayo 1.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroong 12,000 ang naghihintay na trabaho sa job fair sa Araw ng Paggawa.

Umaasa si Bello na magkakaroon ng hired on the spot o HOTS sa mga aplikante.

Maari aniyang 2,000 manggagawa ang ma-hire on the spot.

Samantala, magiging operational na rin aniya sa Mayo 1 ang ospital na nakalaan sa mga overseas Filipino workers.

Libre aniya ang pagpapa-ospital sa mga OFW kasama na ang kanilang mga dependents.

 

Read more...