Pormal nang inanunsiyo ang 40 na opisyal na kandidata ng Binibining Pilipinas 2022, araw ng Biyernes (Abril 22).
Inanunsiyo ito matapos sumalang ang mga kandidata sa final screening of applications sa kaparehong petsa.
Kabilang sa mga napiling kandidata ang TV reporter na si Justinne Punsalang at ang TV personality/host na si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl.”
Matatandaan na noong April 8 ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon sa prestihiyosong beauty pageant.
Narito ang video kung saan makikita ang 40 na kandidata:
MOST READ
LATEST STORIES