Naisampa ang mga kaso ng Revenue Collection Monitoring Group (RCMG), sa pamamagitan ng Action Team Against Smugglers (BATAS) ng Legal Service ng ahensya.
Sa gitna ng ikinakasang anti-smuggling efforts ng BOC, katuwang ang Department of Justice (DOJ) at iba pang ahensya ng gobyerno, nakapaghain ng kabuuang 24 criminal cases mula noong Enero hanggang Marso 2022 laban sa 73 indibiduwal na kinabibilangan ng importers, exporters, at customs brokers.
Partikular na nilabag ng ahensya ang paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at iba pang batas.
Nagsampa rin ng anim na kasong administratibo laban sa ilang lisensyadong customs brokers sa Professional Regulation Commission (PRC).
Base sa datos ng BATAS, aabot sa P160.4 milyon ang halaga ng mga kasong may kinalaman sa ilegal na importasyon ng sigarilyo, P131.4 milyong halaga ng agricultural products, P49.4 milyong halaga ng motor vehicles, P7.7 milyong halaga ng general merchandise, at P7.2 milyong halaga ng iba pang kalakal.
Nangako ang BOC na ipagpapatuloy ang kampanya laban sa smuggling sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kinakaukulang kaso.