10 bahay, nasunog sa Quezon City

Tinupok ng apoy ang 10 bahay sa Barangay Payatas sa Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, dalawa sa mga bahay na tinupok ng apoy ay nagsisilbing storage space ng mga foam.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa sunog.

Ayon sa BFP, patuloy pang iniimbestigahan ng kanilang hanay ang sanhi ng sunog.

Nagsasagawa na rin ng pagsusuri ang BFP kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang nasunog.

Read more...