Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 507.91 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 507.91 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 507,912,150 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 82,553,058 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,052,425 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,330,629 naman ang kaso sa Brazil habang 28,076,017 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 23,915,437
– United Kingdom – 21,909,509
– Russia – 18,110,861
– South Korea – 16,755,055
– Italy –  15,934,437
– Turkey – 15,010,718
– Spain – 10,533,164

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,236,644 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 460,297,239 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...