Presidential at vice presidential debate sa Abril 23 at 24 hindi tuloy

Photo credit: Office of Chairman Pangarungan

 

Ipagpapaliban na muna ng Commission on Elections ang nakatakdang vice presidential at presidential townhall debates na naka-schedule sa Abril 23 at 24.

Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia, ito ay dahil sa may kaunting problema.

Gayunman, sinabi ni Garcia na tulon naman ang debate sa susunod na linggo, sa Abril 30 at Mayo 1.

Nabatid na ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang magiging ka-partner ng Comelec sa susunod na debate.

Una nang naiulat na hindi pa nababayaran ng contractor ng Comelec na Impact Hub Manila ang bayarin sa Sofitel Garden Plaza kung saan isinagawa ang mga naunang debate.

Ayon kay Garcia,noong nakaraang araw lamang nalaman ng Comelec na hindi pa nabayaran ng kinuhang contractor ang Sofitel.

 

Read more...