6 patay, 2 sugatan matapos mahulog sa bangin ang van sa Mountain Province

Patay ang anim na teenagers habang sugatan ang dalawang iba pa matapos mahulog sa bangin na may lalim na 250 feet ang sinasakyang van sa Besao town, Mountain Province.

Nakilala ang mga nasawi na si Dalog Kawi Mangallay, 19 anyos, Lip-aw, Aligan, 15 anyos, Rhema Sumingwa, 18 anyos, Merly Docyogen, 17 anyos, Hazel Solang, 19 anyos at Ken Lendel Kieth Alfonso 19.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, medaling araw pa nangyari ng Huwebes ang aksidente pero hapon na nang madiskubre.

Ginagamot naman ngayon sa ospital ang mga sugatang sina Lander Maticyeng, 17 anyos at Novelyn Sagantiyoc, 18 anyos.

Nabatid na galing ang mga biktima sa isang pagtitipon sa Beesao at pauwi na sana nang maganap ang aksidente.

 

 

Read more...