P1.36-M halaga ng shabu, nasamsam sa Maynila

Nakumpiska ng mga awtoridad ang P1.36 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Manila.

Sanib-pwersa sa operasyon ang SOU NCR, PNP DEG, together with SDEU PS2, CIDU DDEU MPD, RID/RDEU/RSOG NCRPO, at PDEA NCR.

Nahuli ng mga awtoridad ang drug suspect na si Maria Mustapha Kamilan, 47-anyos sa bahagi ng Barangay 4.

Mahaharap si Kamilan sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

“We continue our efforts to monitor the production and trafficking of these illegal substances. Thus, the series of operation resulting to the arrest of drug suspects. Congratulations to our operating teams,” pahayag ni PNP Chief General Dionardo Carlos.

Read more...