Makeshift na polling precinct, itatayo ng Comelec sa mga lugar na nasalanta ng #AgatonPH

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Magtatayo ang Commission on Elections (Comelec) ng mga makeshift na polling precinct sa mga lugar sa Region 8 na sinalanta ng Bagyong Agaton.

Ayon kay Atty. Bartolome Sinocruz Jr., executive director ng Comelec, patuloy pa ang pagsusuri ng kanilang hanay kung ilang eskwelahan na gagamitin sanang presinto ang nasira dahil sa bagyo.

Depende aniya sa kailangang laki ang gagawing mga makeshift na polling precinct.

Sa ngayon, wala namang natanggap na ulat ang Comelec na may nasirang mga election paraphernalia na gagamitin sa eleksyon sa Mayo 9.

Ligtas din aniya ang vote counting machines dahil nang tumama ang bagyo, nasa mga barko pa ang mga makina.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Cinderella Filipina Benetoz-Jaro, executive director ng Commission on Higher Education (CHED) na maging ang kanilang regional office sa Region 8 ay nasira ng bagyo.

Read more...