Sen. Leila de Lima dismayado sa pag-veto sa SIM Card Registration bill

Sinegundahan ni reelectionist Senator Leila de Lima ang mga pahayag na sa pagkaka-veto ni Pangulong Duterte sa SIM Card Registration bill ay nagtagumpay ang ‘barangay trolls.’

Aniya nakakadismaya na na-veto ang panukala dahil sa probisyon na may kinalaman sa social media accounts.

“Nakikita natin nagaganap sa bansa natin pati sa buong mundo kung paano ginagamit ang mga anonymous na social media account hindi lang para magkalat ng maling impormasyon sa social media kundi upang gumawa ng mga labag sa batas tulad ng terorismo, cybercrime, child pornography at iba pa,” dagdag pa nito.

Naninindigan si de Lima na makakatulong ang panukala sa kampaniya laban sa kriminalidad at mapapanagot ang mga gagamit ng cellphone o social media accounts sa ilegal na aktibidad.

“If we are truly serious about our fight against criminality and fake news peddlers and holding offenders responsible for their words and action, we must give this measure a chance to be enacted, in one form or another,” sabi pa ng senadora.

Read more...