Kasunod ito nang desisyon ng Office of Civil Defense – Region 8 na ipatigil na ang search, rescue and retrieval operations sa Barangay Bunga at Mailhi dahil mapanganib na ra sa rescue workers.
Ayon kay OCD Regional Director Byron Torrecarion maliit na rin ang posibilidad na may makuha pang buhay sa ilalim ng tone-toneladang lupa.
May lima pang residente ng dalawang barangay ang nawawala.
Bukod dito, may 60 pang nawawala sa Barangay Kantagnos at isa sa Barangay Pangasugan.
Sinabi ng Mines and Geosciences Bureau na posible pa rin ang pagguho ng lupa sa dalawang nabanggit na barangay maging sa Barangay Pilar sa Abuyog, Leyte dahil sa mga nadiskubreng bitak sa mga bundok.